BLOG

Ang Blog na ito ay naghahangad na maipaliwanag sa inyo ang kabutihan at kakayahan ng Diyos sa pagbibigay ng masaganang pagpapala sa mga taong makikinig at susunod sa Kanya


Living Word

"'For I know the plans that I have for you,' declares the LORD, 'plans for welfare and not for calamity to give you a future and a hope." - Jeremiah 29:11

Friday, November 12, 2010

May Pera sa Shema

ANG SHEMA SA BUHAY KO
By Arlan B. Laroya

Nagsimula ang lahat sa pakikinig ng mensahe na may kinalaman sa kalusugan at kasaganahan na nakapaloob naman sa programa ng Shema Foundation (SUDIF at SUBICC). Ayon sa programa, kailangan na ako ay bumili ng kanilang produkto na nagkakahalaga ng P2,520.00 bawat buwan. At sa unang 14 na buwan lang ako maglalabas ng pera, pero sa mga susunod na pagbili ko ng produkto, ang pera ay manggagaling na sa mismong foundation, Wala na akong ilalabas pang iba at dahil din sa aking pagbili ng produkto ako rin ay nagiging MEMBER, BUSINESS PARTNER AT BENEFICIARY.

Anu-ano ba ang kahalagahan ng mga ‘yan?

Bilang MEMBER, meron akong tungkulin na pangalagaan at paunlarin ang aming kumpanya lalo pa’t ito ang magbibigay sa akin ng kaginhawahan sa buhay. Magagawa ko ito sa pamamagitan ng regular na pagbili at paggamit ng aming mga produkto, dapat gawin ko ito ng may katapatan, hanggang maabot ko ang 12 buwan o 12 beses na pagbili. At dahil maganda rin naman ang aming mga produkto, kaya hindi rin nakakahiyang ibahagi sa iba. Lalabas na ako ang magiging endorser ng sarili naming mga produkto, para lalo pang lumago ang aming kumpanya. Bilang BUSINESS PARTNER, ako ay hindi lamang tagabili, ako rin ay may karapatang makihati sa lahat ng kinikita ng aming kumpanya. At dahil ang Shema ay isa ring foundation, ako ay BENEFICIARY din, kaya sigurado akong may matatanggap na pagpapalang nakalaan sa mga matapat na members.

Uulitin ko ha, bilang MEMBER, sisiguruhin kong makapagkunsumo ako ng aming mga produkto bawat buwan. Bilang BUSINESS PARTNER, sisikapin kong magtrabaho sa ikalalago ng aming kumpanya at bilang BENEFICIARY, maghihintay ako ng may pagtitiwala, buong katapatan at katyagaan sa mga pagpapalang nakalaan para sa amin na mga naniwala sa pangako. Hindi pwedeng mawala ang anuman sa tatlong ‘yan.

Bakit ba kailangan pa naming patuloy na bumili ng aming mga produkto? Ano ba ang mangyayari kung hindi na ako bibili? Kailangan kong regular na bumili ng aming mga produkto, kasi iyon o doon nagsisimula ang aming mga pagpapala. Bakit ba patuloy na lumalaki at dumarami ang mga branches ng SM? Kasi maraming tao ang patuloy na tumatangkilik sa kanila, ganon din ang iba pang negosyo; softdrinks, alak, damit at marami pang iba. Mas maraming bumibili, mas maraming kita! Ang kaibahan lang namin sa kanila, kasama kami sa pagyaman ng aming kumpanya, pero sa kanila, ang may-ari lang ang yumayaman. Tingnan mo ito, ‘di ba matagal ka ng umiinom ng ibang kape, juices, choco drinks, bago pa man magka-Shema? May binigay na ba ang mga mayayamang may-ari ng mga produktong ito sa iyo? Wala! Natural lang ‘yon kasi wala ka namang bahagi sa kanilang kumpanya, maliban sa pagiging consumer, hindi ka naman stockholder o business partner. Sa tanong na, “Bakit ba kailangan pa naming patuloy na bumili at magkunsumo ng aming mga produkto?” Simple lang ang sagot, una para lalo tayong maging malusog. At siempre para lalong lumaki at tumibay ang ating kumpanya. Ano ba ang mangyayari kung hindi na ako bibili? Mawawala ang ating karapatang mag-ani kasi hindi tayo nagtanim. Hindi lang ‘yan baka humina din ang takbo kumpanya at liliit ang ating kita.

Paano naman lumalago ang aming kumpanya? Gaya ng nasabi ko na, mas maraming tumatangkilik sa produkto mas malaki ang pagkakataong kumita ng malaki rin. Isa pa ay ang paglalagak ng pera ng aming kumpanya sa mga investment firms na kayang magbigay ng mas malaking interest rates. Isa pa rin d’yan ay ang katapatan ng mga lalaki’t babae na pinagkatiwalaan ng Diyos na mamahala ng Shema at ang katapatan ng aming mga funders na magdagdag ng pondo sa tuwing kami ay nakakapag-liquidate ng kita mula sa aming kumpanya. Dahil sa mga bagay na ‘yan ay sigurado na kami na mas lalaki ang aming matatanggap na pagpapala.

Sana kayo rin ay magbigay ng pagkakataon sa inyong mga sarili na maging bahagi ng Shema, habang nakabukas pa ang pintuan para sa mga nais maging MEMBER, BUSINESS PARTNER AT BENEFICIARY.

Thursday, September 2, 2010

Our Existence

Ang SUDIF at SUBICC ay naitatag sa tulong at biyaya ng Panginong Diyos upang maging daluyan ng masaganang pagpapala para sa mga Pilipino na makikinig sa mensahe ng pagtanggap ng pagpapala. Hangarin ng SUDIF at SUBICC ang maibigay ang mga pangangailangan at kagustuhan ng mga taong tutugon sa kanilang narinig. Pangunahin dito ay ang paglago ng relasyon sa Diyos, ang kalusugan at ang kaunlarang pangkabuhayan ng mga maniniwala. Umaasa ang SUDIF at SUBICC na habang ang mga kasapi nito ay nagpapatuloy sa kanilang pakikibahagi sila ay lalong mapapalapit sa Diyos na siyang pinagmulan ng lahat ng pagpapalang ito — PAGKAIN, PERA AT BAHAY.

Dahil sa ang mga tinawag ng Diyos upang mangasiwa ng SUDIF at SUBICC ay mga babae’t lalaki na may pusong binago ng Panginoon, makaaasa tayo na pangangasiwaan nila ang ipinagkatiwa sa kanila ng Diyos ng may kaayusan at walang diskriminasyon. Sa ngayon ay patuloy na lumalaki ang bilang ng mga nakikinig at tumutugon sa panawagan upang mapagpala, bagaman ganon marami pa ring kailangang makarinig at tumugon. Sana ikaw na bumabasa nito kung ikaw ay isa na sa mga umaasa sa mga dadaloy na pagpapala ay patuloy pang mag-anyaya at kung ikaw naman ay hindi pa tumutugon bagaman naririnig mo na ito sana ito na ang pagkakataon mong tumugon.

Tandaan mo, ang pagkakataon ay hindi laging kumakatok, gaya nito, ang SUDIF ay hindi habang panahon maghihintay ng mga maniniwala dahil sa Marso, 2016 ay tapos na ang pagtanggap ng mga taong mabibiyayaan ng pagpapala. Kaya kung naririnig mo ang panawagang sa pamamagitan ng iyong nababasa, dalangin ko na tumugon ka na agad. Walang mawawala s’yo bagkos malaki ang mapapala mo.